Mixed emotions si
Angel Locsin sa
nalalapit na
pagtatapos ng kauna-
unahan niyang
teleserye sa
Primetime Bida ng ABS-
CBN, ang Lobo. By this
time maaaring
nakunan na ang mga
huling eksena ni Angel
at Piolo Pascual para
sa huling dalawang
linggo ng Lobo.
"Masaya ako na...
actually, masaya ako
na matatapos kami
dahil ito yung
masasabi ko na after
ten years na binalikan
ko, magiging proud pa
rin talaga ako na
natapos namin yung
ganito kagandang
show at naaliw ako
dahil natuwa talaga
ang mga tao," lahad ni
Angel nang
makapanayam ng PEP
(Philippine
Entertainment Portal).
GAP WITH PIOLO? Kahit
matatapos na ang
Lobo hinahabol pa rin
ng intriga si Angel at
Piolo. This time, dahil
sa sunud-sunod ang
magagandang eksena
sa last two weeks ng
mga episodes ng show
ay iniintrigang
nagkaroon daw sila ng
gap ni Piolo. Diumano,
nagbibilangan daw sila
ng eksena ni Piolo sa
Lobo. Kumbaga, nag-
aagawan ng exposure
at magandang eksena
sa Lobo.
"Kanina magkasama
kami, 'tsaka sa
Entertainment Live!.
Parang...paano? Yung
sa akin...how? Para sa
akin parang hindi ko
na dapat sagutin, kasi
nakikita ninyo naman
kapag nanonood kayo
ng Lobo. Kayo na po
ang bahalang mag-isip
at mahirap po yung
mga eksena namin."
Kung sakali man, isyu
ba sa kanila ni Piolo
ang paramihan ng
eksena sa Lobo?
"Hindi isyu sa amin
kung sino ang mas
maraming eksena.
Actually, mas okey
nga dahil nakakapag-
rest ka kapag wala ka
nang masyadong
eksena. Kung sinuman
yung gumagawa ng
isyu, kung kaninuman
nanggagaling yun, e,
bahala na sila."
Ano ang gagawin niya
pagkatapos ng Lobo?
"Right after Lobo may
flight ako papuntang
Bangkok. May trabaho
lang ako doon. Ewan
ko kung makakakuha
ako ng a week's rest
kasi kailangan na
nilang [Star Cinema]
mag-start para sa
bagong pelikula na
gagawin ko with Piolo."
FHM PHILS.' SEXIEST.
May intriga tungkol sa
pagkakaungos sa
kanya ni Marian Rivera
para number one slot
ng Philippines' Sexiest
ng FHM Philippines
Magazine. May
komento si Angel
tungkol dito.
"Ewan ko po. Hindi
naman po natin
kontrolado, 'di ba?
Kung sino ang
mananalo, kung sino
ang iboboto ng mga
tao? Basta ako,
masaya ako. Parang
ano yun, e, parang
kailangan ba kunin ko
lahat?"
Masaya at
nagpapasalamat
naman daw siya sa
pagtitiwalang ibinigay
naman sa kanya ng isa
pang men's sexy
magazine. Hinirang
kasi siya nito bilang
kanilang pinakaseksing
babae sa Pinas. Pero
hindi naman ibig
sabihin nito'y
kakalimutan na niyang
magpasalamat din sa
FHM.
"Sa FHM,
nagpapasalamat ako.
Kasi doon ako nag-
start. Pero nagawa ko
na 'yan [being hailed
as the Philippines'
sexiest] even before
pa. Parang, bigyan
naman natin yung iba
ng chance, 'di ba?"
Hindi ba niya
inaambisyong maging
number one ulit sa
FHM?
"Hindi na. Para sa akin
mas importante yung
mga taong naniniwala
sa akin. Mas may
importantsya sa akin."
Pero okey lang ba sa
kanya kung si Marian
ang hiranging number
one sa sexiest list ng
FHM Philippines?
"Okay lang. Kaya
natawa lang ako kasi
feeling ko wala
namang isyu, at sa
kanya, hindi rin naman
isyu yun. Parang
nakakatuwa lang na
yung mga fans ang
talagang ano sa aming
dalawa. Pero salamat
po sa lahat ng
bumoto," tapos ni
Angel.
Source: PEP
Subscribe to us now! Just go to "Subscribers' Area"
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.