ABS-CBN is Most Outstanding TV Network (2008 Asian Star Entertainment Awards)

Tuwang-tuwa sina Pinoy Dream Academy Season 2 Grand Star Dreamer Laarni Lozada at first runner-up Bugoy Drilon matapos silang bigyan ng parangal bilang Most Promising Female and Male Performers sa 2008 Asian Star Entertainment Awards na ginanap sa Mandarin Suites, Gateway Mall sa Cubao noong October 4.
Ang naturang award ay ipinagkakaloob sa mga outstanding artists sa iba't-ibang larangan ng performing arts sa Asia Pacific region kung saan ang mga nananalo ay napipili sa pamamagitan ng online nomination at voting.
Hindi makapaniwala sina Laarni at Bugoy na may award na sila pagkatapos lamang manalo sa kamakailang Pinoy Dream Academy Grand Dream Nights.
Natamo naman ng ABS-CBN ang parangal bilang 2008 Most Outstanding Television Network sa ilalim ng Global Excellence Awards.
Sa parehong awards night din ay iginawad din ang mga prestihiyosong parangal tulad ng Global Brand Award, Consumers Choice Awards, and Electronics Quality Awards para sa ibang industriya.
Ang dalawang awardees ay pumirma na kamakailan sa Star Records at kasalukuyang nag-popromote ng kanilang unang album Scholars Sing Cayabyab sa parehong record label.
Iba pang Kapamilya stars na nabigyan ng parangal : Angel Locsin - Outstanding Actress and Commercial Model, Mark Bautista - Best Male Performing Artist, Phoemela Baranda - Outstanding TV Host and Ramp Model, Sheryn Regis -Best Female Performing Artist, Kris Aquino -Outstanding TV Game Host at TJ Manotoc -Asian Young Professional For Media and Broadcasting.-PEP

Post a Comment

0 Comments