BOTH NETWORKS SHOULD STOP... STOP airing STATEMENTS and ARGUMENTS because it is OBVIOUSLY not helping the family. The bereaved family of Marky Cielo needs prayers and most importantly PEACE of Mind.
"Ngunit sa mga maiintindihang dahilan, hindi na kailangang mang-akusa, magpalabas, magsulat ng kahit anong statement na may kinalaman sa namayapang si Marky Cielo." (It's really a simple sign of respect! TO KEEP QUIET! BUT... people of GMA-7 and ABS-CBN simply does not want to keep their mouth shut!)
Show business talk show “The Buzz” on Sunday denied allegations that its staff disrespected the family of Marky Cielo while covering the wake of actor in Baguio.
The show pointed out that its staff never forced Cielo’s mother, Mildred Cadaweng, to grant them an interview amid accusations that they created the scene while covering the wake.
“Malungkot dahil 'pinalaki' lamang ng kabilang estasyon (GMA-7) ang dapat lamang ay 'tahimik' na proseso ng pag-cover ng sensitibong balita tulad ng pamamaalam ni Marky Cielo,” the show (The Buzz) said in a statement.
The Buzz’s Marlon Escalona said he and his crew did ask Cielo’s mother for an interview but when Cadaweng begged off because she had to do something they respected her request.
Escalona said the staff could no longer interview Cadaweng after Cielo’s body arrived in Baguio.
“Actually niyaya kami ng the same family. Pinakape kami pero hindi kami nakapagkape dahil dumating na bigla ‘yong labi ni Marky,” he said.
The Buzz, meanwhile, apologized to Cielo’s family after they were dragged into the issue. (article courtesy of ABS-CBN)
The following article was grabbed from entertainment website Philippine Entertainment Portal accusing ABS-CBN/The BUZZ that they disrespected Marky Cielo's wake. Read below for the full details:
Sa report ng Startalk ng GMA-7 kahapon, December 13, isiniwalat nila ang diumano'y walang pagtigil na pagre-report sa burol ng yumaong aktor na si Marky Cielo at ang walang pahintulot na pagpapalabas ng mukha ng aktor sa loob ng kabaong sa isang news program ng ABS-CBN. Ito ay sa kabila ng pakiusap ng ina ni Marky na si Mrs. Mildred Cadaweng na ayaw niyang makita sa telebisyon ang mukha ng anak na nasa loob ng kabaong. Isang simpleng pakiusap lang daw ito mula sa nagluluksang ina.
Pagkatapos ng pagkuha nang walang pahintulot mula sa burol ni Marky sa Antipolo City, sumunod pa rin daw ang staff and crew ng dalawang showbiz-oriented shows ng ABS-CBN hanggang sa Baguio, kung saan pansamantalang ibinurol si Marky bago dalhin ang kanyang bangkay sa Mountain Province.
Ipinalabas ng Startalk ang video footage ng pagsunod ng isang van na may logo ng ABS-CBN hanggang sa Mountain Province, kung saan nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan si Marky. May mga saksi raw na nakausap ang staff ng Startalk na ang sinasabi raw ng staff at crew ng ABS-CBN ay may utos daw sa kanila ang mismong executive producer ng kanilang show na huwag silang bababa ng Manila hangga't hindi nakukuhanan ng panayam si Mrs. Cadaweng.
Namataan din ang staff ng ABS-CBN na umaaligid sa bakuran ng tahanan nina Mrs. Cadaweng, marahil ay para makuhanan ulit si Marky sa loob ng kabaong at mahingan din ng interview ang ina nito.
Yun nga lang, sa labis na sama ng loob ay nagdesisyon na ang ina ni Marky na kausapin ang staff at crew ng ABS-CBN para lisanin na ang lugar. Pagkatapos nito, saka pa lang nagpasyang umalis ang staff at crew ng ABS-CBN.
Live namang nag-report ang isa sa mga host ng Startalk na si Butch Francisco mula sa Mountain Province kahapon. Live din niyang nakausap si Mrs. Cadaweng pagkatapos ipalabas ang video clip, kung saan kinausap ng ina ni Marky ang staff at crew ng ABS-CBN.
Ayon kay Butch, sa Antipolo pa lang ay nakiusap na si Mrs. Cadaweng na irespeto at huwag nang kunan ng video o picture ang mukha ng anak habang nasa kabaong. Tatlong beses din daw itong sinabi ng mommy ni Marky sa Baguio, bago pa ilagak ang bangkay ng anak sa Mountain Province.
Ngayong araw na ito, December 14, eksaktong isang linggo na ang nakararaan mula nang sumakabilang buhay si Marky. Kaya hindi kataka-taka kung pagod na rin si Mrs. Cadaweng, lalo na sa mga hindi mapakiusapan sa konting kahilingan nila.
Tinanong ni Butch si Mrs. Cadaweng kung saan siya humuhugot ng lakas sa gitna ng matinding dagok na ito sa kanilang buhay.
"Unang-una, sa kanya [Marky] pa rin," sabi ni Mrs. Cadaweng. "Siyempre, nandito kayong lahat, relatives ko. Mga panalangin ng mga kaibigan, mga panalangin natin. Nakakatulong yun, pero unang-una, sa kanya pa rin.
"Kung nakita n'yo siya sa kabaong niya, yung kanyang tahimik, at peace na ipinapakitang face, sa akin ay yun ang nagbibigay ng lakas na he's okay. He's fine at wala akong dapat ipagalala sa kanya."
Ayon kay Butch, naging maayos naman daw ang paglilipat ng mga labi ni Marky from Antipolo to Baguio to Mountain Province. Maliban nga lang sa natunghayang pangyayari between Mrs. Cadaweng and the staff and crew of ABS-CBN's showbiz talk shows.
Kaya tinanong muli ni Butch si Mrs. Cadaweng kung ano talaga ang hinihiling nito sa media.
"Yun kasi, dapat yun, hindi nangyari. Kasi ako lang naman, paulit-ulit, sa Antipolo, sa Baguio, nag-e-explain ako, nakikiusap ako, huwag sana siyang kuhanan ng close-up na mukha.
"Sa totoo lang, ang kapatid ni Marky at siya, lumaki na magkasama. Nagkakaintindihan sila kung ano ang gusto at ayaw nila. Ang kapatid niya ang nagsabi sa akin na, ‘Ayaw ni Kuya.' I think, sa ngayon, pagbigyan naman natin siya.
"I think, sa buong buhay niya, tayo ang pinagbibigyan niya, pinapasaya, yung kaligayahan natin ang kanyang inuuna. Sana ngayon, siya naman ang ating pagbigyan. ‘Yan, sinusuportahan ko ‘yan. Kasi alam ko na yung kapatid niya, alam ko na alam kung ano ang gusto ng kapatid niya.
"Sabi ko nga, kapag inilibing na natin siya, ayoko nang makita sa Internet or sa ano... Yung inspirasyon na ibinigay niya sa atin, yun na lang ang ating dadalhin. Nagtaka naman ako nang nalaman ko na lumabas sa news, nandoon yung mukha niya, kung saan paulit-ulit akong nag-e-explain at humihingi ng paumanhin kung bakit ayaw naming pakuhanan ng picture.
"Bakit yung ordinaryong tao, naiintindihan naman nila? Hindi sila... Bakit ginawa nila yun? Talagang masakit ang loob ko dun. Talagang masakit," hinaing ng ina ni Marky.
May pakiusap din si Mrs. Cadaweng na ihihinto muna ang public viewing ngayong gabi para magkaroon naman sila ng private moment sa mga huling sandali. Pero ire-resume daw ang public viewing bukas, December 15, bago ang libing ng bandang alas-dos ng hapon.
Here's the compiled statements of shows from the 2 networks.
StarTalk(GMA-7):
"Kapag biglang pumanaw ang isang taong hinahangaan, maraming tanong ang biglang lumalabas. Dala na siguro ng ating sakit ng loob at pangungulila, ang pangangailangan na biglang magkaroon ng kasagutan sa ating lungkot. "Ang dalamhati na ating nararamdaman sa pagpanaw ni Marky Cielo ay may kaakibat din na tanong at isyu na pilit nating inaalam. Pilit na pinag-uusapan at nagiging sanhi ng mga haka-haka at palaisipan. "Nandiyan ang mga isyu ng drug overdose, depression, at pati na rin ng suicide. Perhaps in their grief and in their disbelief, people have begun to look for signs and clues in the statements made by Marky's family members and friends. "Pilit nating hihimayin, pag-uusapan, uungkatin ang mga statement na ito. Pilit nating babasahin ang mga gusto nating basahin. Pilit nating gagawan ng isyu ang isang pangyayaring dapat na lang nating tanggapin, pagdalamhatian, at ipagpasa-Diyos. Marahil ang marami sa atin ay tunay na nalulungkot at pilit naghahanap ng sagot para maibsan ang ating lungkot. "Ngunit meron din namang mga naghahanap lang ng isa pang isyu para pagpiyestahan, pagkalibangan, gamitin, at tuluyan nang limutin. Mas masakit na sa pangangailan na magkaroon ng kuwento para sa mga palabas, pilit na nilalabag ng iba ang hiling ng pamilya ni Marky na sana'y galangin ang kanilang pagdadalamhati. "Matapos dalhin ang labi ng pamilya ni Marky sa Cathedral of Resurrection sa Baguio City, ang labi ay iniuwi sa Barangay Sinto, sa bayan ng Bauko, Mountain Province. Dito sa bayan na minahal at kinalakihan ni Marky, dito ililibing si Marky sa likuran ng kanilang bahay. Ayon sa kaugalian ng mga Kankanaey. "Paulit-ulit na humingi ng paumanhin ang ina ni Marky na si Mrs. Cadaweng. At sinong tao naman ang hindi maaantig at makakaintindi sa kanyang panawagan na huwag kunan ang labi ng kanyang anak bilang paggalang sa alaala nito? Ngunit ang paggalang sa basic human right to dignity ay pilit na nilalabag ng isang istasyon. "Noong Huwebes ng gabi [December 11], sa kanya mismong tahanan, tuluyan nang nag-breakdown ang ina ni Marky dahil sa pilit na coverage na ginagawa ng isang istasyon. Lubhang ikinagulat ni Mommy Mildred ang pagkuha at pagpapakita sa labi ng kanyang anak. "Nahuli ng mga kamera namin nang mag-breakdown ang iang dismayadong Mommy Mildred dahil sa itinuturing niyang invasion of privacy ng camera crew ng isang istasyon. Ngunit dahil sa mga dahilang maiintindihan, hindi na ito kailangang ipalabas pa. "It is enough to state that a mother and family still coming to terms with the sudden loss of a beloved son, have had to content with the kind of pressure and anxiety that is, to say the least, inhuman. "And what does this intrigues do for the memory of Marky Cielo, a young man who by all accounts tried his best to be a role model and a good human being? Nothing. "The actions and statements of so many people trying to find the 'real' truth behind Marky's demise make him nothing but another scandal...another issue to be dissected, speculated on, and then forgotten. "Ibinabandera sa mga plug ang mga ‘shocking truth,' ang mga tunay na dahilan, ‘isisiwalat' na ibubunyag tungkol sa pagkamatay ng binata. Kahit sinong tao ay mapapaisip, ano ang magagawa nito? "Walang takot naming sasabihin: What is really shocking is that in order to get a story, the human right to privacy and dignity of family Cielo was totally disregarded. "Walang takot naming sasabihin: Sana pinairal ang respeto. "Ang tunay na kagimbal-gimbal ay hindi iginalang ang taus-pusong hiling ng isang nagdadalamhating pamilya. Na igalang ang isang alaala ng isang binatang pilit na nagpaka-tao sa masalimuot na mundo ng showbiz. "A young life has been lost...and the lives of those who loved him have been affected. Kung minahal natin si Marky Cielo at hinangaan, tama lang na ipagdasal natin ang kanyang kaluluwa at ipagpasa-Diyos na ang kanyang maikling buhay at ang malungkot niyang kinatapusan. "Goodbye Marky, maraming salamat sa maliwanag na sinag na ibinahagi mo sa amin. We have been sorry that your final journey has been marred by greed and insensitivity of others. Patawad Marky, maraming salamat."
The Buzz (ABS-CBN):
"Malungkot, dahil pinalaki lamang ng kabilang istasyon ang dapat lamang na tahimik na proseso ng pag-cover ng sensitibong balita, tulad ng pamamaalam ni Marky Cielo. "Ang sa amin lang, kung inalam muna ng kabilang istasyon ang tunay na naganap. Sa likod ng kanilang mapang-akusang pahayag, hindi sana aabot sa ganito ang usapan. "Ang sa amin lang, responsibilidad ng anumang media network, hindi lamang ng ABS-CBN, ang ihatid ang mga balita sa mga manonood—malaki man o maliit, sensitibo man o hindi. "Hindi ito paglabag sa anumang batas. Hindi ito pagyurak sa pagkatao ninuman. It's everyone's freedom to know the latest news and it is our responsibility to get them and deliver them to the public. "Ang sa amin lang, kung kinukuwestiyon ng kabilang istasyon ang kawalan daw ng respeto ng ABS-CBN, kawalan nga ba ng respeto ang paghingi ng paalam sa mismong kapamilya ng aktor upang sila ay ma-interview? "Tanong, itratrato at tatanggapin ba kami ng kapamilya ni Marky ng ganito kainit, kung hindi namin sila binigyan ng kaukulang respeto? Sagot, we don't think so. "Kararating lamang sa Baguio City, kaagad na nilapitan ng The Buzz at Entertainment Live si Mommy Mildred, ina ni Marky, upang mahingan ng pahayag. Kontra sa mga akusasyon ng kabilang istasyon, si Mommy Mildred, mainit din kaming tinaggap. "Ang sa amin lang, malinaw itong paghingi ng paalam upang magbigay ng pahayag ang pamilya. "Ang sa amin lang, iba ang paalam sa pumuwersa. Tumanggi man magpa-interview si Mommy Mildred, nakitungo kami nang husto at wasto, at isinukli sa amin ng pamilya ay husto at wasto rin. At aming taus-pusong ipinagpapasalamat. "Ang sa amin lang, ang huling araw namin sa Benguet ay hindi na para mangalap ng anumang video o interview. Humarap kami sa pamilya upang magpasalamat sa pag-aalaga sa amin bilang taong nakikiisa at nakikiramay. "Invasion of privacy ba makiramay? Pagyurak ba ito ng human dignity na paulit-ulit na deklarasyon ng kabilang istasyon? "Ang sa amin lang, ang tahimik sanang natapos na gabi sa Benguet ay binigyan na ng kulay ng kabilang istasyon. Ito pala para sa kanila ang pagkawala ng respeto. "Malungkot, dahil naroon kami pareho sa dalawang mahalagang pakay: Bilang mga alagad ng media, at bilang pakikiramay sa isang namayapang kasamahan sa industriya. "Malungkot, dahil hindi ito nakikita ng kabilang istasyon. Bagkus, sa halip na mabigyan ng kaukulang respeto ang buong kaganapan, naging fiesta pa ito ng issue at kontrobersiya. "Ang sa amin lang, humihingi po ng dispensa ang ABS-CBN sa pamilya at kaanak ni Marky Cielo. Para sa mga taong gumagawa ng malaking intriga mula sa isang simpleng sitwasyon. Nakakahiya po, dahil nagka-issue bigla ang walang ka-issue issue. "Ang sa amin lang, hindi na ito issue kung ABS-CBN o GMA-7 ang unang makakuha ng istorya. Na tila puno't dulo ng kontrobersiya na sinimulan ng kabilang istasyon. "Ang sa amin lang, muli natin balikan ang tunay na ibig sabihin ng respeto at dignidad. At nawa'y huwag gamitin ang mga salitang ito bilang bahagi ng script sa inyong mga programa. "Kaibigan, respetuhan lang tayo sa trabaho at respetuhan lang po tayo bilang tao. "Ang sa amin lang, salamat po ng walang hanggan at buong puso sa pamilya, kaanak, at kababayan ni Marky Cielo dahil tao silang nakitungo sa amin. "Ang sa amin lang, ‘yan po ang tunay at payak na ibig sabihin ng salitang 'Kapamilya.'"
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.