Failon's sister-in-law Pamela Trinchera, in an interview by Ces Drilon, said that she was with the victim while she was writing the note for Ted on Tuesday evening.
Here is a transcript of the segemnt of the interview shown on ABS-CBN's News Patrol bulletin Thursday afternoon.
====
Pamela: Ako yung nakaharap sa TV, sya yung parang squat sa floor na naka-ano sa bed. Sabi nya, "teka muna, gagawa muna ako ng sulat kay Kuya mo, papaalam ako na hindi muna ako uuwi ngayong gabi." Sabi ko sige po, so sa bed sya nagsusulat kasi mababa yung bed, tapos nakauypo ako sa bed.
Sulat niya "Papa," tapos sabi niya [sa akin], "ano ang sasabihin ko?"
Tapos sabi ko, ikaw, ikaw na ang mag-ano kung aong gusto mong sabihin kay Kuya.
Ces: Ito ba yung sulat na nasa pulis ngayon, yun at yun din?
Pamela: Oo, yun yata ang pagkakaalam ko.
Ces: Pinanood mo, kitang-kita mo yung pagsulat?
Pamela: Opo, kitang-kita ko po. Di ko lang po siya masyadong matandaan lahat, pero yung umpisa nun is, "Gustong-gusto kong magsabi sayo ng totoo, pinapangunahan lang ako ng sobrang takot." Tapos meron pa doong part na "sana mapatawad mo ako." Tapos yun nga, "aalis muna ako Papa." Puro may 'Papa' yun eh.
Ces: Maraming nagtataka na bakit may 'po.' Ganun ba talaga?
Pamela: Grabe ang training sa bahay na yan, I don't know kung training o talagang, tama, sila talagang nag-ano na mag-asawa na yan. Pati mga katulong, mga drivers, pati nga siguro ako nahawa na rin na doon na rin ako natutong masyado na mag-'po' at 'opo.' Pati mga anak namin, kasi as in ganun, ganun sila
Ces: Ang mag-asawa, nag-po-po sila sa isa't isa?
Pamela: Sa isa't isa din, sila din nila Kuya.
Ces: Nakikita mo yun doon sa pag-obserba mo sa kanila, sa pag-uusap?
Pamela: Kahit sa text ganun sila, nag-po-po talaga. Kaya nung nagsusulat din si Ate Trina alam ko na meron din dun na mga 'po'.
Tapos yung natapos nya ring gawin yung sulat, [sabi niya] "o sige na, ilagay mo dun sa dresser namin," sa kuwarto nila.
Ces: Ayaw nya talagang umuwi? Na harapin siya?
Pamela: Opo, ayaw nya muna umuwi ng maaga, kasi nagtetext pa si Kuya, nagtetext pa na "umuwi ka na ma, magpahinga ka." Tapos tumawag pa talaga.
Ces: Yun ba nang mga tawag na yun, may narirnig ka bang galit sa boses ni Ted, nanunumbat?
Pamela: Wala, wala, wala po. Wala, parang may tinatanong lang siya, tapos sabi ni Ate Trina, "ok na, nakuha ko na," parang mga ganun. Tapos yun from there, kasi parang ano na rin yun, 12 past na, mga 1235, mga ganun, so direcho na kami ng Tierra Pura.
Hindi pa kami nakakatulog, kumakatok na si Kuya. Diretso naman ako, para hindi na ano eh, hindi na halata na may nakahiga, parang konting ayos lang sa unan, tapos diretso na ako sa banyo.
Ces: Nagtago ka?
Pamela: Opo, pagpunta naman sa banyo, sliding door din muna yun, kasi parang dressing ano din, tapos CR. Pero hindi ko sinara yung sliding, hindi ko rin sinara yung pintuan ng CR
Ces: Rinig mo yung usapan na yun?
Pamela: Opo, rinig ko po.
Ces: Pumasok si Ted?
Pamela: Opo, though di ko siya masyadong maintindihan. Pumasok si Kuya.
Ces: Nagkakasigawan ba?
Pamela: Wala po, as in magandang usapan.
Ces: Ano yung usapan?
Pamela: Parang may inaano lang siya na, "mommy," kasi minsan parang mommy, ma, bi, ganun sila eh. So ok na, ok na yung ano, pinapakuha ko sayong mga papel," ganun, sabi niya "opo." Tapos sige, ano, bukas nalang natin pag-anuhin, pagusapan, ganun ganito. Sige, ano, matulog ka na magpahinga ka na. [Tapos sabi ni Trina] "Haynaku matulog na nga tayo."
Ces: Sabi may mga kalmot sa likod si Ted. meron bang nagkaroong pisikal...?
Pamela: Grabe po, wala. Wala po, as in. Kasi kung boses pa lang po siguro ni Kuya na marinig ko lang po na galit, lalabas na ako. [Inaudible] pero hindi ako maghihintay na may mga kung ano pang mangyari bago pa lumabas. So as in wala talaga, wala, as in super maganda po yung usapan nila.
Tapos yung nahiga na uli kami, tapos parang ilang minuto, katok uli si Kuya. natatawa kaming pareho [ni Trina] kasi tatakbo na naman ako uli sa banyo tapos bukas na naman siya ng pinto. Hinihintay niya akong mawala na sa paningin nya tapos binubuksan nya rin yung pintuan.
Tapos may mga inabot lang po si Kuya na mga papel, apat na papel. Andun yung mga pangalan ng katulong, driver, tapos kung magkano yung mga expenses sa isang buwan, ilaw, tubig, telepono, cellphones, tapos yung mga taxes monthly, quarterly, yearly, tapos mga insurances. Basta mga ganun, kasi parang apat na-
Ces: So parang inaayos nila ang kanilang mga finances?
Pamela: Yun ang pagkakaintindi ko.
Ces: So may binigay na mga dokumento?
Pamela: Hindi po siya dokumento, parang handwritten lang na pinapaano na gusto lang siguro ni Kuya na malaman kung magkano talaga yung suweldo ni ganito, kasi si Ate Trina naman lahat ang nag-aayos ng ganun eh, kung magkano talaga binabayaran nila sa ilaw, sa tubig, ganun, lahat-lahat, pagkain.
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.