Senator Nonoy Aquino`s Latest Political Advertisement Transcript:
Minamahal kong kababayan,
Tadhana ang nagbuklod sa atin dahil naghihingalo na ang ating bayan. Nais kong pumasok sa isang kasunduan sa inyo. Lalaban tayo para sa wastong edukasyon ng bawat batang Filipino. Lalaban tayo para sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan. Lalabanan natin ang kahirapan. Lalabanan natin ang mga kawatan. Lalabanan natin ang sinumang wawasak sa kalikasan. Lalabanan natin ang sinumang manggugulo sa ating kapayapaan at katahimikan. Ang laban natin ay laban ng bayan. Sa ngalan ng aking mga magulang at sa gabay ng Diyos, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na pagsilbihan ang mahal nating inang bayan. Bilang tunay na sagot sa kahirapan at tunay na daan sa kaunlaran, ang inyong lingkod, Benigno Noynoy Aquino III, isang mamamayang Filipino, nangangako sa Diyos at sa bayan, hindi ako magnanakaw.
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.