PRESIDENT BENIGNO S. AQUIN
III’s EASTER MESSAGE
April 24, 2011
Kaisa po ako ng sambayanang
Pilipino sa pagdiriwang nang
pagbangon ng Panginoon mula sa
kamatayan, nang tubusin Niya an
sangkatauhan sa kasalanan.
Sa pagwawakas ng Semana Santa,
hindi sana magtapos dito ang atin
taimtim na pananalig sa
Panginoon. Ipagpatuloy natin ang
pagtupad sa Kaniyang mga aral at
lalo pa nating paigtingin ang ating
pagkakawanggawa.
Ito ang unang Pasko ng
Pagkabuhay na ipinagdiriwang ng
ating bagong administrasyon.
Gaano man kadilim ang
kabanatang ating dinaanan, ang
pagsusulong ng tapat at mabuting
pamamahala, kaakibat ang
matibay na pagtitiwala at
pagkakaisa, ang pundasyon natin
upang malampasan ang
kalbaryong ating dinatnan.
Patuloy nating alalahanin ang
tunay na diwa ng Kaniyang
dakilang sakripisyo.
Bawat isa sa atin ay may
maiaambag sa pagtuldok sa
katiwalian upang maisalba sa hira
at pasakit ang marami nating
kababayan. Sa pamamagitan
lamang nito, mararamdaman ng
bawat Pilipino ang tunay na
liwanag ng pagbabago.
Isang mapayapa at mapagpalang
pagdiriwang ng Pasko ng
Pagkabuhay sa ating lahat.
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.