Mistulang mga teenager ang Happy Yipee Yehey! (HYY)
barkada nang ma-interview ang mga ito sa set ng HYY
tungkol sa pagluwas ngayong Sabado para makipag-
bonding sa isa't-isa at sa mga taga Hilagang Luzon. Sikat
ang Lingayen sa magaganda nitong beaches kaya naman
lahat sila'y nagsabing magbabaon sila ng swimwear,
shades at siyempre, sunblock.
"Lagi naman akong naka-shades kaya di na problema
yun," natatawang sagot ni Randy Santiago na hindi
mabilang ang dami ng sunglasses.
"Ready at excited na kami! First out of town bonding ng grupo, " ani ni beauty queen
Bianca Manalo.
Pataas man ng pataas ang temparatura ngayon, walang humpay ang kasiyahan lalo’t live
silang mapapanood sa Lingayen Beach Front, Capitol Grounds, Pangasinan.
Magmomotorcade din sila para makasama ang mga kababayan duon.
Ibinihagi ni Mariel na bagaman maraming lugar na sa mundo ang kanyang napuntahan,
gusto pa din niyang i-explore pa ang likas at mapanghalinang kagandahan ng Pilipinas.
“I’m so excited to visit Lingayen again,” ani ni Mariel, ang maybahay ni Robin Padilla.
Nais namang pasalamatan ni Toni Gonzaga ang mga Pangasinense sa masugid na
suportang binibigay sa kanila, hindi lamang para sa Happy Yipee Yehey!, kung hindi maging
para sa iba pa niyang proyekto sa Kapamilya Network.
“Napakaswerte ko para mabigyan ng mga break, kaya naman sobrang thankful ako kasi
successful yung mga yun. This is my chance para pasalamatan ang mga kababayan
natingPangasinense,” pahayag ni Toni.
Si John Estrada naman ay tila na-reminisce ang kanilang beach wedding ni Priscilla sa
kanyang pagbisita sa Lingayen.
“Naku, naalala ko bigla yung kasal namin ni Priscilla. Parang kailan lang yun. Ngayon,
balik-beach ulit ako pero this time, magpapasaya kami ng mga Kapamilya nating patuloy at
buong-buo ang pagkapit sa show,” ani John.
Walang patid na saya ang hatid ng pinakabagong kabarkada sa tanghali, kasama sina
Randy Santiago, John Estrada, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, at sina Bianca Manalo,
Melai Cantiveros, John Pratts, Bentong at Matteo Guidicelli.
Huwag palampasin ang Happy Yipee Yehey na araw-araw nang mapapanood mula Lunes
hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN. Bida Best Kapamilya!
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.