Phil Younghusband will reveal details about his lovelife in The Bottomline with Boy Abunda

Ngayong Sabado, May 14,
sa The Bottomline with Boy Abunda, kilalanin ang Team Azkal's football
superstar na si Phil Younghusband. Buong puso niyang ibabahagi ang
kanyang kuwento at kung paano niya nakahiligan ang larong football. Dahil
sa impluwensiya ng kanyang ama na Briton, at suporta ng Pilipinang ina,
madaling niyakap ni Phil ang football kasama ang kanyang kapatid na si
James.
"1996 nang maging bahagi si Phil ng Chelsea Football Club bilang Midfielder.
2005 naman nang makapasok siya sa Philippine Football Team. Sinubukan
niya ring sumabak sa iba't ibang larangan gaya ng pagkanta, pag-arte at
pagmu-modelo. Naging magandang karanasan daw ito para kay Phil subalit
hindi siya naging masaya. Mas gusto niya na magconcentrate sa isang bagay
na alam niyang dalubhasa siya--at iyan ay walang iba kungdi ang larong
football.
"Tumodo ang kasikatan ni Phil nang maging bahagi siya ng Team Azkals lalo
na nang maipanalo nila ang kanilang mga laban kontra sa mga Asian
countries. Naging household name na ang apelyidong "Younghusband" lalo
na nung maiugnay siya sa movie actress na si Angel Locsin.
"Pakinggan ang kuwento ng kasikatan, pagtitiyaga, pakikipagsapalaran,
tagumpay at buhay pag-ibig. Walang inatrasang tanong si Phil at magugulat
ang lahat sa mga rebelasyong kanyang bibitawan--mapa-football man o
lovelife.
"Wag palalampasin si Phil Younghusband sa The Bottomline with Boy
Abunda, ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN.

Post a Comment

0 Comments