Parang nagpa-practice shooting lang si Major Angelo Germinal ng kaswal niyang binaril at kinitil ang buhay ng kaka-13 anyos pa lamang na si Christian Serrano dahil lamang sa nahuli itong nagbabaklas ng bakal sa isang abandonadong gusali sa Makati.
Kitang kita ng kanyang mga kasamang binatilyo kung paanong tumumba ang kanilang kaibigan matapos tumama ang isang bala sa kanyang likuran at tumagos sa kanyang dibdib.
Dagdag pa ng mga ito, kinikotongan daw sila umano ng naturang pulis bago sila payagang bumaklas ng bakal sa nasabing lugar.
Sobra ang hinagpis ng pamilya ni Christian na, bukod sa pamomroblema kung paano bibigyan ng maayos na burol at libing ang anak, ay sumisigaw din ng hustisya para sa sinapit nito. Nakapagsampa na ito ng kaso laban sa tinuturong suspek pero hindi naman makita kahit saan ang tinuturong suspek.
Mapanagot nga kaya ng batas ang isa sa mga alagad nito? Makamit pa kaya ng pamilya Serrano ang hinahanap na katarungan para sa yumaong anak?
Tunghayan ang buong kuwento sa “Failon Ngayon,” kasama si Ted Failon, ngayong Sabado (May 14), 4:45 PM sa ABS-CBN.
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.