Buong pagmamalaking inihahandog ng “Happy Yipee Yehey!” (HYY) ang kauna-unahang album nito, kung saan tampok ang ilang mga hits na “Nananana” at “I-swing mo,” na pinasikat mismo ng mga HYY host.
Pinamagatang “Happy Yipee Yehey! Nananana,” ang espesyal na album na ito, na ilulunsad ngayong Sabado ay mayroong pitong tracks at may bonus pang minus one upang tiyak na masabayan ng bawat pamilyang Pilipino.
Kamakailan lang ay inawit ni Toni Gonzaga sa HYY ang “Mahalin Ka Ng Totoo,” na kabilang din sa album. Likha ng batikang novelty song composer na si Lito Camo, pag-ibig ang naging inspirasyon para sa awiting ito.
Kapanapanabik na mga performances din ang dapat tunghayan ngayong Sabado dahil maliban sa mga pinaka-pinaguusapang hosts ng programa, mga nagniningningang bituin din ang makikisaya sa selebrasyong ito.
Abangan din ang kauna-unahang mall show ng mga HYY host para sa “Happy Yipee Yehey! Nananana” album ngayong Sabado sa SM Marikina, 4p.m.
Walang patid ang kasiyahan na handog ng pinaka-masayang kabarkada sa tanghali na sina Randy Santiago, John Estrada, Rico J Puno, Pokwang, Toni, John Pratts, Bianca Manalo, Melai Cantiveros, Jason Francisco at Bentong. huwag palampasin ang “Happy Yipee Yehey!” mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN. Bida Best Kapamilya!
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.