Below is official statement of President Aquino on Manny Pacquiao's win against Juan Manuel Marquez:
Kaisa ang sambayanang Pilipino, malugod kong binabati si Congressman Manny Pacquiao sa kanyang matagumpay na pagdepensa sa WBO Welterweight belt laban kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, Nevada, USA.
Sa kanilang ikatlong paghaharap ni Marquez, muling ipinamalas ni Manny ang tatag at lakas ng Pinoy sa buong mundo. Taos-puso tayong nagpapasalamat kay Manny sa walang-humpay niyang paghahatid ng karangalan para sa bayan. Ang kaniyang disiplina at dedikasyon sa kaniyang larangan ay nagpapatotoong hindi nadadaan sa swerte at hindi umaasa sa tsamba ang taong nais magwagi sa buhay. Pinapatunayan ni Manny na hangga’t handa tayong magpursigi, at manatili tayong nakatutok sa pagkamit ng ating mga pangarap, wala tayong hindi kayang abutin.
Kay Manny: Hangad namin ang agarang panunumbalik ng iyong sigla at lakas. Bilang ehemplo ng katatagan ng ating lahi, naway magpatuloy pa ang pagbibigay mo ng tulong at inspirasyon, sa boksing man o sa paglilingkod-bayan, sa maraming mga Pilipino. Makakaasa kang nasa likod mo ang buong sambayanan sa mga susunod mo pang mga laban.
Muli, binabati ka namin sa iyong panibagong tagumpay.
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.