Sa isang iglap
ay maaaring magbago ang lahat.
Marahil ay ito nga ang itinadhana -
ang maranasan ang anumang hapdi
na maaaring idulot sa iyo ng katotohanan.
Isa lamang itong patunay
na ang mundo
ay hindi lamang puro ligaya
bagkus ay nahahaluan ng pagdadalamhati.
Gayunpama'y manatiling matatag
tibayan ang loob,
at magkaroon ng pang-unawa
dahil ang lahat ng bagay
ay mayroong dahilan.
3 Comments
kaaya aya ang iyong tulang ginawa. ako'y nabighani sa sobrang ganda. hayaan mo akong basahin ito at isasapuso ko ng walang alinlangan....salamat sayo bunso...
ReplyDeleteAt ako ay napatula... sa akin nabasa
ReplyDeleteNde ko akalain ganun pala... ang nadarama din nya
Hayaan nyo't ako naman... ang babasa
Ng tulang ginawa... nasa taas ang may akda.
*bow*
ang lalim naman neto nathan! hehe..
ReplyDeletePlease note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.