Labimpito sa 24 na parangal ang hinakot ng ABS-CBN Broadcasting Network sa katatapos na 2010 Gandingan Isko't Iska's Broadcast Choice Awards sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna.
Kabilang sa mga award na nakuha ng kapamilya network ang Best TV Station at Most Development Oriented Station.
Muling tinanghal na Best AM Station ang DZMM Teleradyo at Best FM Station ang Tambayan 101.9 San Ka Pa.
Kabilang sa mga hinakot na awards ng Kapamilya Network ang Best Youth Oriented Program para sa Y Speak, Wondermom para sa Best Women Oriented Program, Umagang Kay Ganda bilang Best Morning Show, Best News Program ang TV Patrol World, Kabuhayang Swak na Swak bilang Best Livelihood Program at Matanglawin bilang Best Environment Oriented Program at Best Educational Program.
Tinanghal namang Best AM Announcer at Best News Anchor si Ted Failon.
Kinilala naman si Karen Davila bilang Gandingan ng Kababaihan at si Kuya Kim Atienza ang napiling Gandingan ng Kalikasan, Kabataan at Edukasyon.
Ang Gandingan Awards ay taunang pagkilala sa galing at husay ng mga pinoy sa larangan ng pamamayagpag na pinangungunahan ng UP Community Broadcaster's Society.
via
1 Comments
ABS-CBN deserves it....More power KAPAMILYA...
ReplyDeletePlease note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.