PNoy's Lenten Message

Below is President Aquino's Lenten message:
Ngayong Panahon ng Semana
Santa, ginugunita natin ang
lubos na pag-ibig ng Panginoon
nang inialay niya ang buhay ng
Kanyang bugtong na anak
alang-alang sa kaligtasan ng
sangkatauhan.
Ngayong Mahal na Araw
sinasalamin natin ang tunay na
diwa ng kadakilaan ni
Hesukristo. Pinili Niyang
magkatawang-tao at ialay ang
sarili Niyang buhay, upang
matubos tayo sa kasalanan.
Ito ang aral sa atin ng
Panginoon: Ang tumbasan ng
pagkakawanggawa ang ating
mga dasal, at magkusa tayong
tumulong sa pagpasan sa krus
ng mga nahihirapan nating
kapwa.
Binibigyang-halaga ng inyong
administrasyon ang
pagkakataong ipinagkaloob ng
taumbayan. Kaya naman,
alinsunod sa mga aral ni
Hesukristo, nagsasakripisyo ang
inyong pamahalaan para
maghatid ng makabuluhang
pagbabago.
Ang pagbuhos ng mga biyaya at
mabuting balita sa ating bansa
ay patunay na tama ang
tinatahak nating landas.
Hangga't pinapantayan natin ng
sipag ang ating mga dasal,
hangga't sama-sama tayong
pumapasan sa ating bayan,
hangga't nakatuon tayo sa
kapakanan ng nakakarami
kaysa sarili, wala ni anumang
kalbaryo, wala ni sinumang
Herodes ang makakapigil sa
atin tungo sa pagbabagong
inaasam.
Isang mapayapa at
makabuluhang pagninilaynilay
ng Mahal na Araw sa atin pong
lahat.

Post a Comment

2 Comments

  1. [...] more here: PNoy's Lenten Message | iKUWADERNO This entry was posted in Ratings and tagged affiliate, affiliate-news, agb, concert-tickets, [...]

    ReplyDelete

Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.