Kinilala na ang ikatlo at ikaapat
na grand finalist sa numero
unong talent-reality show sa
bansa na “Pilipinas Got Talent 2”
at ito ay ang all-male dance
quartet na B4 at hoola hoop
master na si Angel Calalas.
Matapos ang overnight voting,
nanguna dito ang grupong B4
kaya naman pasok na sila agad
sa grand finals.
Pinagpilian naman ng mga
hurado ang pumangalawa at
pumangatlo sa botohan na si
Angel at ang bandang Skeights
para isa pang grand finalist slot.
Naging madali naman ang
pagdedesisyon nina Kris Aquino,
Ai Ai Delas Alas, at Freddie
“FMG” Garcia dahil lahat sila ay
pabor sa kamangha manghang
hoola hoop act ni Angel.
Sigurado na ngang muling
magpapakitang gilas ang dalawa
sa darating na grand finals sa
pag-asang hiranging grand
winner para sa edisyong ito.
Noong Sabado pumalo ang PGT
24.7% sa TV ratings buong bansa
at muling tinalo ang mga
kalabang programa na “Kapuso
Mo Jessica Soho” (17%) at
“Talentadong Pinoy” (7.7%).
Panalo rin ito noong Linggo ng
mag-rate ito ng 18.3% buong
bansa kontra “Show Me Da
Manny” (9.6%) ayon sa Kantar
Media/TNS. Sa darating na
Sabado (May 14), sino kaya sa
semi-finalists na kinabibilangan
nina (clockwise, L-R) Rafael Pavia,
Jose Emmanuel Cubil, Collins
Gutierrez, Zaldy Carlos, Dance
Selection, at Happy Feet ang
papasok sa finals?
Laging tumutok sa “Pilipinas Got
Talent 2,” sa pangunguna ng
hosts na sina Luis Manzano at
Billy Crawford tuwing Sabado at
Linggo, 8:45 PM sa ABS-CBN.
2 Comments
[...] continue reading “Dance quartet and hoola hoopmaster enter PGT Finals”, click here. Talentadong Pinoy News by Yahoo! [...]
ReplyDelete[...] Read more on Ikuwaderno [...]
ReplyDeletePlease note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.