COTABATO CITY, Marso 23 (PIA) – Inilunsad kamakailan ng pamahalaang panlungsod ng Cotabato ang COVID-19 Barangay SMS Information System sa pakikipagtulungan sa DSA Software Solutions.
Ito ay upang mabigyan ng tama at lehitimong impormasyon ang mga residente ng lungsod patungkol sa COVID-19, mapigilan ang pagkalat ng fake news, makapagbigay ng palagiang paalala sa pamamagitan ng SMS notifications, at bilang pakikiisa na rin sa mandato ng community quarantine.
Sinabi ni City mayor Cynthia Guiani-Sayadi na ang lungsod ang pinakauna sa buong bansa na gagamit ng naturang SMS system.
Ang nasabing aplikasyon ay bukas at magsisimula sa Barangay Rosary Heights Mother, 1, 2,3,4 at 5. Aasahan din naman sa sa susunod na mga araw ay magkakaroon din nito ang iba pang barangay sa siyudad.
Narito ang mga hakbang upang makapag rehistro sa nasabing aplikasyon. Una, pumunta sa pahina ng registration https://covid19smsinfo.dsasoftware.com.ph at piliin ang inyong barangay. Pangalawa, ibigay ang kinakailangang impormasyon at i-click ang “Register.” Pangatlo, abangan ang SMS notification na manggagaling sa system upang makumpirma na na-submit ang iyong registration. Pang apat, hintayin ang SMS notification ng approval ng iyong registration. Kapag naaprubahan, magsisimula nang makatanggap ng mga update mula sa barangay.
Siniguro naman ng DSA na protektado ang lahat ng impormasyon ng mga mag-reregister sa nasabing aplikasyon. Sumusunod ito sa data privacy act of 2012, gumagamit din ito ng Industry-Standard Encryption para protektahan ang pagtransmit ng data o mas kilala sa SSL technology. Ang mga natanggap na data mula sa mga residente ay protektado din ng security system ng kanilang server. (PIA-Cotabato City)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1036904
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.