TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Marso 26 (PIA) - - - Stable ang kondisyon ni PH275 simula pa noong lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19 hanggang sa ngayon, ito ay ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ii ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Ayon kay Baggao sa isinagawang press conference sa Department of Health (DOH) kaninang umaga, wala nang lagnat at ubo ang nasabing pasyente base sa huling pagmo-monitor sa kanya ng mga medical staff ng CVMC kung saan siya naka-admit.
Ibinahagi rin ni Baggao na ayon sa mga nurse na nagbabantay kay PH275, atat na ata na siyang maglakad ngunit base sa rekomendasyon ng mga cardiologist ng nasabing hospital, hindi muna siya pinapayagan at kailangan niya munang magpahinga.
"Laging minomonitor sa kanya ay yung kanyang co-morbid na sakit niya sa puso. Ang mga cardiologist natin ay ayaw siyang ma-stress dahil sa sakit nya sa puso kaya pinagpapahinga muna siya,” ani Baggao.
Dagdag ni Baggao na kayang umupo mag-isa at kumakain ng kusa si PH275.
“Minsan nakikipagbiruan pa nga siya sa mga staff na in-charge sa kanya,” dagdag ni Baggao.
"Sana tuloy tuloy na yung stable na kondisyon niya," ani Baggao.(MDCT/PIA-2)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1037232
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.