LUNGSOD NG COTABATO, Mar. 26 (PIA) – Nagsimula nang magrepack ng relief assistance ang Bangsamoro Government para sa gagawing distribusyon ng nasabing tulong sa lahat ng mga apektado ng krisis dahil sa coronavirus disease o COVID-19 dito sa siyudad.
Ang relief assistance na sisimulang ipamamahagi ngayong linggo ay may lamang 25 kilong bigas, 10 pirasong noodles, pitong pirasong corned beef, pitong delatang tuna, dalawang delatang sardinas, at 3-in-1 na kape.
Samantala, sinabi ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 spokesperson Mohammad Asnin Pendatun na sa sitwasyon ng ibang probinsya, abot sa P7,293,334 ang inisyal na pondo ang nai-download sa pamamagitan ng Ministry of Social Services and Development. Ito ay upang doon na din mismo bibilhin ang mga ipamimigay na relief assistance gayong naka community quarantine ang maraming lugar.
Siniguro naman ng opisyal na may nakalaan pang dagdag na tulong sa mga mamamayan ng Bangsamoro Region lalo na sa mga lubos na nangangailangan.
Samantala, naghahanda na din ng tulong pinansyal ang Office of the Chief Minister (OCM) para sa lahat ng mga empleyado ng BARMM, alinsunod sa Department of Labor and Employment (DOLE) Labor Advisory No. 12, series of 2020. Nakasaad sa kautusan na lahat ng mga manggagawa sa buong bansa, anuman ang status ay makatatanggap ng tulong pinansyal na may halagang P5,000. (PIA-Cotabato City)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1037205
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.