Mga 'specimen collection kits' mula DOH dumating na sa Romblon

Mahalaga umano na merong nakatambay na mga specimen collection kits sa probinsya para kung may 'patient under investigation' o PUI na kailangang idaan sa pagsusuri ay agad na makunan ng ispesimen at maipadala sa Research Institute for Tropical Medicine sa Metro Manila. (Larawan mula sa Facebook Page ni Governor Jose Riano)

ROMBLON, Romblon, Mar. 20 (PIA) -- Dumating na sa lalawigan ang mga gamit na pinadala ng Department of Health - Center for Health Development Mimaropa para makatulong sa paghahanda ng probinsya sa posibilidad na pagpasok ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa online press conference ng DOH-Mimaropa nitong Huwebes, sinabi ni Dr. Emerose Moreno, COVID-19 Incident Command System Commander, nagpadala na umano sila sa Romblon ng mga specimen collection kits, N95 masks, surgical masks, at mga personal protective equipment.

Mahalaga umano na merong nakatambay na mga specimen collection kits sa probinsya para kung may 'patient under investigation' o PUI na kailangang idaan sa pagsusuri ay agad na makunan ng specimen at maipadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Metro Manila.

Aniya, una palang umano ito at may susunod pa silang ipapadalang mga gamit ngunit hindi pa ito maisakay patungo sa Romblon dahil wala pang biyahe ng mga barko papasok ng probinsya.

Samantala, sa panayam ng Philippine Information Agency kay Ralph Falculan, tagapagsalita ng DOH-Romblon, sinabi nito na naipamahagi na sa lahat ng ospital at health center ang mga gamit. (PJF/PIA-Mimaropa)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1036686

Post a Comment

0 Comments