LUNGSOD NG COTABATO, Mar. 26 (PIA)--- Isinasailalim ngayon sa mahigpit na monitoring ng Bangsamoro Government ang mga natukoy na indibidwal na kabilang sa mga dumalo sa ginanap na religious gathering sa Kuala Lumpur, Malaysia kamakailan.
Sinabi ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Inter-Agency Task Force on COVID-19 (BARMM-IATF) spokesperson Asnin Pendatun na mula sa 215 mga tabligh o Islamic preachers sa bansa na nakiisa sa naturang aktibidad, 196 ang natukoy ng task force.
Aniya, patuloy pa rin ang ginagawang pag-validate sa mga ito na itinuturing nang mga persons under monitoring.
Mula naman sa 196 na natukoy, 35 sa mga ito ay mga residente ng Bangsamoro Region.
Giit ni Pendatun, karamihan sa mga natukoy ay asymptomatic at ngayon ay sumasailalim sa 14-day quarantine.
Nabatid na ang aktibidad na dinaluhan ng mahigit 16,000 na mga indibidwal ay pinaniniwalaang dahilan ng paglobo ng kaso ng coronavirus disease 2019 sa Malaysia. (With reports from BPI-BARMM)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1037207
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.