Tagalog News: Tuloy ang ayuda ng 4Ps 

Sa kabila ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine, tuloy ang cash grant sa mga benepisyaryo ng 4ps. (Larawan mula sa DSWD)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar. 22 (PIA) -- Magpapatuloy ang pamamahagi ng cash grant at rice subsidy sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa buong Luzon, sa kabila ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa isang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa, naka-takda na sa Marso 24, 26, 28 at Abril 4 ang petsa ng pamamahagi ng cash grant na makukuha ng mga benepisyaryo sa alinmang Land Bank of the Philippines Automated Teller Machine (LBP-ATM) o iba pang bangko gamit ang kanilang Europay, Mastercard at Visa Cash Card.

Ang mga naturang Cash Card ng 4Ps ay maaari ring gamitin sa mga establisyinmento na may Point-of-Sale o POS. (LC/PIAMimaropa/Calapan)



source https://pia.gov.ph/news/articles/1036819

Post a Comment

0 Comments