LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso. 22 (PIA) – Bilang katuwang ng pamahalaan sa maigting na pagpapatupad sa pambansang direktiba na Enhanced Community Quarantine, pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang regulasyon para sa home quarantine at work from home arrangement sa mga empleyado nito maliban sa mga manggagawa ng frontline services na ang serbisyo ay laban kontra sa COVID-19.
Kaugnay nito, ang Memorandum 02, Series of 2020 ay naghihikayat na ang implementasyon ng work from home ay para rin sa lahat ng manggagawa ng pamahalaang nasyunal, institusyunal at iba pang pamahalaang lokal sa loob ng lalawigan ng Oriental Mindoro.
Sakop rin ng Memorandum ang paghain ng kasong administratibo sa sinumang permanenteng empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan na mahuhuling lumabag sa kautusang home quarantine at hindi naman pag-renew ng kontrata ang parusa sa mga hindi permanenteng empleyado. Alinsunod nito, itinakda rin ng nasabing kautusan ang pagpapasauli ng sweldo ng mga kawaning mahuhuling lumabag sa Enhanced Community Quarantine.
Ayon sa Punong Gobernador Humerlito "Bonz" Dolor, ang COVID-19 ay isang seryosong suliranin at ang mga kawani ng Kapitolyo at iba pang ahensya ng Gobyerno ay binabayaran mula sa buwis ng mamamayan kaya’t marapat lamang na maging bahagi sila ng kolektibong solusyon.(LC/PIAMimaropa/Calapan)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1036882
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.