LUNGSOD NG BUTUAN, Marso 27 (PIA) -- Sa gitna ng pinaigting na pagpapatupad ng mga hakbang sa probinsya ng Agusan del Sur kontra coronavirus o COVID-19, nanawagan ang ilang frontliners sa probinsya ng ilan pa sa kanilang mga pangangailangan partikular na sa pagsasagawa ng checkpoints.
Sa ginawang inspection at assessment ng Agusan del Sur Task Force COVID-19 sa mga checkpoints ng nasabing probinsya, nakita mismo ni Governor Santiago Cane, Jr., ang sitwasyon ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH), at Barangay Health Emergency Response Teams.
Kabilang sa mga kinakailangan ay karagdagang tents para may masilungan ang mga motoristang sumasailalim sa checkpoint, infrared thermal scanner, at personal protective equipment naman para sa mga namumuno sa mga checkpoints.
Ayon naman kay Governor Cane, gumagawa na ng hakbang ang provincial government upang matugunan ang mga ito.
Sa kanyang panayam sa Radyo Pilipinas Manila, binigyang-diin ng opisyal na nangangailangan din hindi lang ang probinsya kundi ng buong rehiyon ng caraga ng testing kits upang mas mapabilis ang resulta ng swab samples ng mga patients under investigation (PUIs) at persons under monitoring (PUMs).
“Kailangan po talaga namin dito sa Agusan del Sur at ng buong Caraga region ang testing kits lalu na’t may mga PUIs at PUMs na naitala na kailangan ding tutukan,” banggit ni Gov. Cane.
Maliban sa frontliners, tinutugunan din ng lokal na pamahalaan ang proteksyon ng mga empleyado sa pribado at pampublikong ahensiya.. Kaya naman pinahintulan ng opisyal ang pagpapatupad ng flexible work arrangement o skeletal workforce.
Samantala, hiniling din mga otoridad sa publiko ang kanilang suporta at kooperasyon lalu na sa checkpoints upang masugpo ang pagkalat ng virus.
“Hindi po madali ang ginagawa namin sa checkpoint, subalit ginagawa po namin ang mga precautionary measures upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa COVID-19 kaya hinihingi din po namin ang inyong suporta at kooperasyon upang maging maayos ang lahat,” ani ni PCpl. Candilario Sanoco. (JPG/PIA-Agusan del Sur)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1037121
0 Comments
Please note: Your comment may or may not appear immediately. Please do not submit it twice! Certain words may trigger a spam filtering delay. Please refrain from profanity; inappropriate comments may be deleted by the author's sole discretion.